Martes, Mayo 1, 2012

Mahal Kita.

dedicated to sa isang tao na napalapit sakin somewhere down the road. :))

Alam kong hindi magiging tayo, pero syempre katanggap tanggap ang sitwasyon na yun.
Pero syempre hindi parin mapipigilan nun ang damdaming meron ako para sayo.
Hindi ko to masabi ng harap harapan sayo kase mahahalata na, Alam na. :))
Pero nung sinabe ko to sayo, almost 2 weeks tayong nagka awkward-an, hanggang ngayon nga eh. Pero dati mas grabe. Yung tipong pati sa school hindi nagpapansinan.
Nasabi ko na din naman sayo before yun, hindi mo man pansin, dahil siguro sa maliit ang mata ko, eh hindi man tayo nag uusap that time, pero lagi akong tumitingin sayo, tinitingnan kung tinatrato ka nila ng mabute.

Naisipan kong gawin to ngayon kase, una, gabi na, tumatakbo nanaman ang mga what if's at imaginations sa utak ko. Pangalawa, dahil naiisip kita ngayon.
Worth it ang pakikipag close ko sayo, sana ganun din ang tingin mo sakin :))
nung simula, parang wala lang, kase nga hindi pa kita ganun kakilala, parang typical friend lang, pero nung lumipas ang panahon, lalo na kitang nakilala, at unti unti ka nang napalapit sa puso ko.
Nang nagtagal, naisip ko rin, pano kaya tayo naging ganto ka close?
Dahil sa pagkakapareho ng hilig natin? Dahil sa mutual friends natin?
Hindi naman tayo magiging ganto kaclose ng matagal kung hindi dahil sa pagmamahal natin para sa isa't isa db? hahaha


Kahit na lage ko to sinasabe sayo, alam kong alam mo na seryoso ako :)
kaya heto na ulet.
Basahin mo yung title :)

Linggo, Abril 29, 2012

SEARCH FOR: MY SASSY GIRL :)) (1 Result Found)

heto alam ko na uupdate to depende sa nararanasan mo sa pang araw araw mo eh :))

heto ang hanap ko sa isang babae :) hehe, ewan ko kung may makikilala akong ganto o may nakilala na pero hindi siya pwede either emotionally or spiritually or friendzoningly :))

1. Respeto. respeto sa mga ginagawa ko, tulad ng pag kpop, tsaka syempre may respeto siya para sa sarili niya.

2. Different. gusto ko yung parang nagcocomplement kame, yung kung ano yung pagkukulang or wala ko, mapupunan niya, and kung ano pagkukulang or wala niya, mapupunan ko.

3. May Content ang Pagsasalita. meaning, kung ano ang lumabas sa bibig niya, kaya niyang panindigan.

4. Contented. kailangan pa ba i-explain to? hindi na siguro no? :)

To Be Updated.

Hello po.

madalas ang mga pamagat na nagagamit ko hindi akma sa sinuslat ko :))
pero first blog ko to hehe

imba lang talaga, bakit kapag pag ibig na pinag uusapan, natatanga ako? :))
dahil ba kase wala pa kong experience sa relationships?
dahil yung mga nagugustuhan kong babae eh mga FRIENDZONERS?
o sadyang malas lang ako pagdating dito?

naalala ko nung hs ako...
may isang babae na umamin sakin, siya lang talaga ang kaisa isang umamin sakin as of now :))
tapos hindi ko kase siya gusto, sadyang kaibigan lang tingin ko sakanya, kaya ayun, friendzone na ang present word para sa ginawa ko sakanya nun :))
tapos ayun, ewan ko ba kung dun nag simula yung karma ko pagdating sa pag aamin at panliligaw sa babae x.x

o baka hindi pa talaga ito yung time para maghanap at makahanap ako ng aking MY SASSY GIRL.
pag nakita ko na siya, ang sasabihin ko sakanya, yung nasa title ko :))

P.S.: ilan ang " :)) " na nailagay ko? :)