Martes, Mayo 1, 2012

Mahal Kita.

dedicated to sa isang tao na napalapit sakin somewhere down the road. :))

Alam kong hindi magiging tayo, pero syempre katanggap tanggap ang sitwasyon na yun.
Pero syempre hindi parin mapipigilan nun ang damdaming meron ako para sayo.
Hindi ko to masabi ng harap harapan sayo kase mahahalata na, Alam na. :))
Pero nung sinabe ko to sayo, almost 2 weeks tayong nagka awkward-an, hanggang ngayon nga eh. Pero dati mas grabe. Yung tipong pati sa school hindi nagpapansinan.
Nasabi ko na din naman sayo before yun, hindi mo man pansin, dahil siguro sa maliit ang mata ko, eh hindi man tayo nag uusap that time, pero lagi akong tumitingin sayo, tinitingnan kung tinatrato ka nila ng mabute.

Naisipan kong gawin to ngayon kase, una, gabi na, tumatakbo nanaman ang mga what if's at imaginations sa utak ko. Pangalawa, dahil naiisip kita ngayon.
Worth it ang pakikipag close ko sayo, sana ganun din ang tingin mo sakin :))
nung simula, parang wala lang, kase nga hindi pa kita ganun kakilala, parang typical friend lang, pero nung lumipas ang panahon, lalo na kitang nakilala, at unti unti ka nang napalapit sa puso ko.
Nang nagtagal, naisip ko rin, pano kaya tayo naging ganto ka close?
Dahil sa pagkakapareho ng hilig natin? Dahil sa mutual friends natin?
Hindi naman tayo magiging ganto kaclose ng matagal kung hindi dahil sa pagmamahal natin para sa isa't isa db? hahaha


Kahit na lage ko to sinasabe sayo, alam kong alam mo na seryoso ako :)
kaya heto na ulet.
Basahin mo yung title :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento